Agaw-armas tumba sa sekyu

CAVITE, Philippines – Pinabulagta ang isang miyembro ng Agaw-Armas Gang matapos makipagbarilan sa dalawang security sa Barangay Calsadang Bago 2, Imus City, Cavite  kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng napatay na agaw-armas habang sumuko naman sa pulisya ang nakabaril na si Sandro Gallego, 43, security guard ng Golden Armor Security Services Inc., nakatalaga sa PTC Subdivision at nakatira sa Dreamville 4, Barangay Alapan 1C sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Formoso, lumilitaw na naka-duty ang security guard na si Jesmar Perez nang agawan ng baril ng di-kilalang lalaki sa main gate ng nasabing subd.

Gayon pa man, hinabol ni Gallego ang lalaki hanggang sa magkaputukan pagsapit sa nasabing lugar habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments