Mindanao niyanig ng lindol
KABACAN, North Cotabato, Philippines – Sunud-sunod na niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng South Central Mindanao noong Sabado ng madaling araw. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang nilindol ang bayan ng Makilala kung saan umabot sa 4.4 magnitude ang lakas. Niyanig din ng lindol ang bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat kung saan umabot sa 3.6 magnitude ang lakas sa silangang bahagi ng nasabing lugar. Maging ang Kidapawan City ay tinamaan ng 4.7 magnitude na lindol habang naramdaman naman ang intensity 4 sa bayan ng Makilala, North Cotabato. Naitala rin ang intensity 3 sa mga bayan ng M’lang at Tulunan sa North Cotabato habang Intensity 2 sa mga bayan ng Matalam at Antipas. Wala pang naitalang nawasak na ari-arian sa naganap na pagyanig.
- Latest