Preso inutas ng kakosa

North Cotabato, Philippines – Patay ang isang preso makaraang saksakin hanggang sa mapatay ng isa pang preso sa loob ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Provincial Jail Warden Felicito Gumapac kinilala nito ang biktima na si Max Maniago, 45, na residente ng Brgy. Sta. Cruz, Tampakan ng lalawigan.

Dead-on-arrival sa pa­gamutan si Maniago matapos sinaksak ng kasamang preso na si Boy Esteban na residente ng Colonggulo, Surallah, South Cotabato; pawang may kasong murder.

Sinabi ni Gumapac na katatapos lamang ng kanilang pagpupulong ng bigla na lamang saksakin ng suspek ang biktima. (Rhoderick Beñez)

Show comments