MANILA, Philippines – Nagwakas ang pagka-virgin ng 14-anyos na dalagita matapos itong halayin ng kanyang nobyo kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.
Sa salaysay ni Maria, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi matapos siyang makipagdate sa kaniyang boyfriend na itinago naman sa pangalang Miguel.
Lumilitaw sa imbestigasyon na hindi nagpaalam sa kaniyang mga magulang ang biktimang itinago sa pangalang Marivic kung saan nakipag-date sa kanyang 15-anyos na nobyong si Miguel, nakatira sa kanugnog na Advent Homes, Ayala sa nasabing lungsod.
Bandang alas-12 ng hatinggabi nang umuwi ang biktimang duguan ang palda at nang usisain ito ng kaniyang mga magulang ay sinabing ginahasa siya ng sariling nobyo.
Agad na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima na sinamahan ng kaniyang mga magulang.
Sa follow-up operations ng pulisya ay nasakote naman ang suspek na pansamantalang ipiniit sa Children in Conflict Law Center sa Barangay Culianan, Zamboanga City bago dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).