15 kabahayan winasak ng buhawi

MANILA, Philippines - Sinalanta ng malakas na buhawi ang ilang lugar sa lungsod ng Korona­dal City, South Cotabato at Maguindanao na ikinawasak ng nasa 15 kabahayan dito habang marami ring mga puno ang nabuwal, kamakalawa.

 Sa ulat ng Office of Civil Defense –ARMM, humagupit ang buhawi sa Brgy. Magsaysay, isang baybaying barangay sa Parang, Maguindanao dakong alas-3:30 ng hapon nitong Biyernes.

 Ang pamiminsala ng buhawi ay sinabayan pa ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa nasabing lugar.

Wala namang naiulat na nasawi sa insidente pero nagdulot ito ng matinding takot sa mga residente rito.

Samantalang nasundan ito ng pagkawasak naman ng  nasa 8 kabahayan sa pananalasa ng buhawi sa Brgy. Zone III, Koronadal City kung saan umabot sa P200,000 ang pinsala.

Namahagi naman ng relief assistance ang lokal na pamahalaan para sa mga naapektuhan ng mapaminsalang buhawi.

Show comments