Onsehan sa droga, courier niratrat, patay

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Onsehan sa droga ang tinitignang anggulo ng pulisya kaugnay sa pagpatay sa isang hinihinalang drug courier na itinumba sa Brgy. Calamagui sa bayan ng San Pablo kaninang madaling araw.

Kinilala ni Senior Insp. Alford Accad, hepe ng PNP San Pablo ang biktima na si Alli-Leo Allam, 30, ng Brgy.  Catabayungan sa katabing bayan ng Cabagan.

Sa report ng pulisya, isang hindi kilalang gunman ang rumatrat ng bala ng cal. 45 sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ng biktima na sanhi ng agad nitong kamatayan.

Sinabi ni Accad na natagpuan nila ang ilang text messages na nakuha sa cellphone ng biktima ang ilang mga transaksiyon nito kaugnay sa droga.

Dalawang heat sealed plastic sachet na shabu ang nasamsam din ng mga imbestigsdor sa bulsa ng biktima dagdag ni Accad.

Sampung basyo naman ng bala ng cal .45 ang natagpuan ng SOCO sa lugar na nagbibigay batayan na isinagawa ng riding-in-tandem killers ang krimen.

Show comments