Misis ginilitan sa palayan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang tinangkang halayin pero nabigo ang mga di-kilalang lalaki kaya ginilitan at winakwak na lamang ang  dibdib hanggang sa mapatay ang 33-anyos na misis sa gitna ng kanyang palayan sa Barangay  Rang-ay, bayan ng Cabatuan, Isabela kamaka­lawa.? Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Jil Daep, hepe ng Cabatuan PNP, nagpaalam ang biktimang si Melinda Magday sa kanyang mister na aayusin ang mga natumbang palay sa kanilang bukid subalit nabigo na itong makauwi. Gayon pa man, tinungo ng mister ang kinaroroonan ng kanyang misis hanggang sa matagpuan itong patay sa gitna ng palayan.Wala naman nakitang indikasyon na hinalay ang biktima subalit may teorya ang pulisya na kakilala ng biktima ang mga suspek kaya nanlaban ito hanggang sa mapatay.

 

Show comments