Bike vs bus: Mister lasog

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang 34-anyos na mister matapos makipagsalpukan ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Margaay, bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rommel Valera Cuadra ng Barangay Camarao habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng Partas Bus na si Romeo Balonzo Ariota, 52, ng Barangay Talogtog, bayan ng Dolores, Abra.? Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na umagaw ng linya ang motorsiklo kaya sumalpok sa kasalubong na bus kung saan tumilapon ang biktimang bumagsak sa sementadong kalsada. 

Show comments