Estudyante, kagawad nilikida

NORTH COTABATO,  Philippines  -  Napatay ang 15-anyos na hayskul student at barangay kagawad sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Barangay Kanguan, bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa. Kinilala ni P/Insp. Roldan Kuntong ang mga biktima na sina Datukung Kasim, 2nd year high school; at Kagawad Datuhan Kiton Haron, 36, ng Barangay Liong. Base sa police report, si Kasim ay niratrat habang nakasakay sa traysikad habang sugatan naman ang 9-anyos na driver ng traysikad. Samantala, niratrat at napatay si Kagawad Haron sa bahagi ng Datu Piang Avenue kung saan nakatakas naman ang gunmen na lulan ng motorsiklo.

 

Show comments