Ama tinodas ng anak

BULACAN , Philippines  - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 57-anyos na ama matapos na barilin ng anak na seng­lot sa Barangay Dampol, bayan ng Plaridel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo at idineklarang patay sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Eddie San Pedro habang pinaghahanap naman ang suspek na si Aljee San Pedro, 23, drayber at kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ni PO3 Joseph Cruz, nagwala ang suspek na lango sa alak sa labas ng kanilang bahay kung saan pinayapa naman ng kanyang ama. Gayon pa man, ayaw paawat sa pagwawala ang suspek kaya tinangkang agawin ang hawak na baril subalit ipinutok sa ulo ng biktima saka tumakas.

 

 

Show comments