Guro itinumba ng riding-in-tandem

Cotabato City, Philippines – Isang guro ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding in tandem na mga armadong salarin sa kahabaan ng Don Rufino Alonzo St., Cotabato City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Rolen Balquin, Cotabato City Police Director ang biktima na si Anastacio Roxas, residente ng Mother Barangay Rosary Heigths ng lungsod.

Ayon sa report, pababa na sana ng kanyang sa­sakyan si Roxas ng bigla na lamang siyang hintuan ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang nasabing pamamaril.

Sa kasalukuyan,  patuloy naman ang pangangalap ng ebidensya ang mga awtoridad sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng krimen­.

Show comments