Army Sgt. inutas ng kabaro

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matagal na alitan ang isa sa motibo kaya napatay ang isang Army Sergeant makaraang ratratin ng kasamahan nitong sundalo sa compound ng kanilang kampo sa Barangay Doña Cecilia, bayan ng Sirawai, Zamboanga del Norte kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Sgt. Romeo Piedad  ng 1st Mechanized Infantry Division habang sumuko naman sa kanyang superior na si Lt. Chesler Mastino ang suspek na si Corporal Greggy Patpat ng Charlie Company ng Army’s 10th Infanty Battalion ng Phil. Army. Narekober sa crime scene ang 21-basyo ng bala ng cal 5.56 pistol at M-16 Armalite rifle.

 

Show comments