Misis nagka-lover, mister nagbigti

QUEZON, Philippines  - Nagpasyang magpasalubong kay kamatayan ang 30-anyos na driver na sinasabing iniwan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Barangay 3, bayan ng Calauag, Quezon. Natagpuang nakabitin sa kisame ng kanyang bahay ang biktimang si Jhon-Jhon Villaflores na iniwanan ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki. Magmula noon ay kinakitaan na ng depresyon ang biktima at nagtatangkang magpakamatay dahil sa pangulila. Gayon pa man, hindi naman pinansin ng mga kaanak ang pagbabanta ng biktima hanggang sa matagpuan na lamang ito na sinalubong si kamatayan.

Show comments