Bomb threat sa UP Baguio, klase suspendido

MANILA, Philippines — Sinuspinde ang klase sa University of the Philippines-Baguio ngayong Miyerkules dahil sa isang bomb threat.

Pinalikas ng pamunuan ng UP-Baguio ang mga estudyante, guro at iba pang empleyado ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan nila.

Samantala, rumesponde naman ang mga tauhan ng Baguio City police na kaagad hinalughog ang paaralan.

Inabisuhan na ang iba pang papasok na estudyante na huwag nang tumuloy sa paaralan.

Show comments