Ama, 1 pa dinedo ng anak na adik
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napatay ang 67-anyos na ama at kapitbahay nitong obrero makaraang barilin sa ulo ng sariling anak na adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Barangay Macanaya, bayan ng Aparri, Cagayan.
Kiniala ni P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP ang mga biktima na sina Alfredo Bueno at Paquito Cuaresma habang nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Samuel Bueno, 36.
Ayon sa ina ng suspek na si Maria, nanonood ng teleserye ang biktima nang dumating ang anak na sinasabing lango sa droga at nanlilisik ang mata.
Gayon pa man, pinyapa ng ama ang kanyang anak na nagmumura kung saan nagalit ito at binaril sa ulo ang kanyang tatay.
Nagsisigaw naman si Maria na nakatawag pansin sa kanilang kapitbahay na si Cuaresma subalit ito rin ay binaril sa ulo pagpasok sa bahay ng pamilya Bueno.
- Latest