Chinese trader, nagbigti

BULACAN , Philippines  - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 49-anyos na Chinese trader na sinasabing may matinding problema sa kanyang negosyo matapos itong magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Binagbag, bayan ng Angat, Bulacan kahapon. Matigas na nang matagpuan ang biktimang si Suntan Ke ng Sitio Tumana, may-ari ng Bio City Scrap Recycling Plant sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Reynaldo Bolisay, huminggi ng tulong sa kanilang security guard ang anak ng biktima dahil hindi sumasagot sa cellphone. Dinistrungka ng sekyu ang pintuan ng kuwarto kung saan bumungad ang nakabiting katawan ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

 

Show comments