^

Probinsiya

2-buwang sanggol pinatay, inilibing ng nanay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumingaw ang brutal na pagpatay ng 15-anyos na ina na sinasabing nasiraan ng pag-iisip sa kanyang anak na 2- buwan gulang na sanggol na inilibing sa sagingan sa liblib na bahagi ng Barangay Ngan, bayan ng Compostela, Compostela Valley kamakalawa.

Ayon kay Compostela Valley Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Abraham Rojas, isang concerned citizen ang nag-report sa pulisya sa nadiskubreng nagsisimulang maagnas na bangkay ng sanggol na lalaki sa nasabing lugar.

Ang sanggol na kung tawagin ng kaniyang lolong si Nildo Mancio ay Baby Boy ay nawawala noon pang nakalipas na linggo matapos na dalhin ng ina nitong itinago sa pangalang Mimi.

May ilang residente naman ang nakakita kay Mimi na nagtungo sa sagingan bitbit si Baby Boy noong Biyernes ng gabi (Agosto 2)

Gayon pa man nang tanungin ng kaniyang amang si Nildo ay sinabi nitong ipinaampon na niya ang anak sa isang kaibigan sa Barangay Sasa, Davao City para walang problema sa pag-aalaga.

Hindi naman natagpuan ng mga magulang ni Mimi ang apo sa kabila ng paghahanap sa loob ng ilang araw.

Nang tunguhin ng mga operatiba ng pulisya ang lugar kung saan inilibing sa mababaw na hukay ang sanggol na tinabunan pa ng dahon ng saging at binusalan ng puting tela ang bibig ay nakumpirma ni Mang Nildo na ito ang kaniyang apo dahil sa suot nitong damit at feeding bottle  sa tabi ng bangkay habang pinaghahanap naman ng pulisya si Mimi.

 

ABRAHAM ROJAS

BABY BOY

BARANGAY NGAN

BARANGAY SASA

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

DAVAO CITY

MANG NILDO

MIMI

NILDO MANCIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with