Lover, misis pinagtataga ni mister, kritikal

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang isang misis at 26-anyos na binata, na umano’y kalaguyo nito matapos na pagtatagain ng mister ng ginang nang ma­abutang magkasiping sa loob ng bahay ng lover ng asawa sa Brgy. Sampaloc, Sorsogon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Melinda Janer, 39, at umano’y lover nito na si Renante Malazarte; kapwa residente sa lugar.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Felixberto Janer Jr., 44-anyos, asawa ni Melinda na mabilis na tumakas.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang sugurin ng nasabing mister ang tinutuluyan ng ka­laguyo ng asawa nang may makapagsabi ritong nakita ang ginang sa loob ng bahay ng lover nito.

Nang maaktuhan ang dalawa ay pinagtataga ito ng suspek na bagaman naka­sigaw pa ang ginang upang bigyang babala ang lover ay  hinarang ito ng kasamahan ng kanyang mister na nagsilbing look-out sa insidente.

Nabatid na ang ginang ay may isang buwan nang hiwalay sa kanyang mister matapos itong sumama sa kanyang lover. Iniimbestigahan pa ang kaso.

Show comments