^

Probinsiya

2 utas sa highway mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Dalawang katao ang dead-on-the-spot at limang iba pa, kabilang ang isang paslit ang sugatan sa dalawang magkakahiwalay na highway mishaps sa Ilocos region kamakalawa. ?

Patay agad ang 38-anyos na si Gloria Garlean habang kritikal ang anak nitong 2-anyos na si Daisy at mister na si Bongbong Garlean matapos salpukin ng kanilang motorsiklo sa nakaparadang traysikel sa gilid ng highway sa Barangay Quinavite, bayan ng Bauang, La Union. ?

Sa ulat ni SPO1 Marlon Panitan, tinangkang mag- overtake ng motorsiklong minamaneho ni Bongbong sa sinusundang sasakyan su­balit nawalan ito ng kontrol at sinalpok ang nakaparadang trike ni Fernando Valenzuela. ?

Samantala, namatay din ang nakamotorsiklong si Macario Ganitano matapos salpukin ang traysikel ni Joel Hidalgo sa  Barangay San Isidro, bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.?

Sa ulat ni P/Senior Insp. Joseph dela Cruz, Sarrat PNP chief, nang-agaw ng linya ang trike ni Hidalgo na sinasabing nakainom ng alak kaya sumalpok sa kasalubong na motorsiklo ni Ganitano.

Sugatan din ang dalawang pasahero na sina Jovelyn Bautista at Randy Ganal habang si Hidalgo ay malubhang nasugatan.

BARANGAY QUINAVITE

BARANGAY SAN ISIDRO

BONGBONG GARLEAN

FERNANDO VALENZUELA

GLORIA GARLEAN

ILOCOS NORTE

JOEL HIDALGO

JOVELYN BAUTISTA

LA UNION

MACARIO GANITANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with