Agawan sa lupa: Mister pinatay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Pinaniniwalaang alitan sa lupang  pinag-aagawan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister ng kanyang pinsang kawani ng water district kamakalawa sa Barangay Atulayan, Tugue­garao City, Cagayan. Nasapol sa dibdib ang biktimang si Jonathan Javier habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Ismael Narag.? Nabatid kay SPO1 Peter Bunagan, nagkanya-kanyang sampa ng kaso sa korte ang biktima at suspek kaugnay sa pinag-aagawang lupain kaya nauwi sa madugong komprontasyon hanggang sa maganap ang pamamaslang. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments