^

Probinsiya

Driver ng mayor dakma sa droga

Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines  - Kalaboso ang drayber ng municipal mayor makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency at lokal na pulisya dahil sa pag-iingat ng bawal na droga sa Barangay San Isidro, bayan ng Tinambac, Camarines Sur noong Bi­yernes.

Sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Pedro Redoña ng Calabanga Regional Trial Court, Branch 63, Camarines Sur, sinalakay ng mga awtoridad kasama ang ilang mamamahayag, opisyal ng barangay at DoJ rep. ang bahay ng suspek na si Nicanor “Nik-Nik” Belleca na sinasabing drayber ni Mayor Ruel Velarde.

Nasamsam sa suspek ang 7- plastic sachet ng shabu na may street value na P.300 milyon at isang cal.45 pistol.

Nabatid na matagal ng isinailalim sa surveillance ang suspek na pinaniniwalaang tulak ng bawal na droga sa nasabing munisipalidad kung saan pinabulaanan naman ito. Francis Elevado

BARANGAY SAN ISIDRO

BELLECA

CALABANGA REGIONAL TRIAL COURT

CAMARINES SUR

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FRANCIS ELEVADO

JUDGE PEDRO REDO

KALABOSO

MAYOR RUEL VELARDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with