TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa P12 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang drug bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa bahay ng dating barangay tanod sa liblib na bahagi ng Barangay Maddalero sa bayan ng Buguey, Cagayan kamakalawa. ?
Base sa inisyung search warrant ni Gattaran Municipal Trial Court Judge Marcelo Cabalbag, sinalakay ang bahay ni Ernesto Soliven Ayonayon Jr. 43.
Sa pahayag ni Cagayan Valley PNP Director P/Chief Supt. Miguel Laurel, nasamsam ang dalawang plastic bag na may 611.56 gramo na shabu, cal. 9mm pistol, rifle grenade, laptop, P13,000 cash at mga bala ng baril. Bago isagawa ang operasyon laban sa suspek ay ilang araw din na isinailalim sa surveillance ang ikinikilos nito na sinasabing pangunahing drug pusher sa nasabing bayan.?