May-ari ng karinderya, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Hindi na pinatapos sa pagkain ng lugaw ang 46-anyos na may-ari ng ka­rinderya matapos itong pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay Magdalena, bayan ng Cabatuan, Isabela.? Ayon kay P/Chief Insp. Jil Daep, hepe ng Cabatuan PNP, sinuklian pa ng biktimang si Virgilio Rigon ang gunman na katatapos lamang kumain ng arrozcaldo bago isagawa ang pamamaril. Kaswal na naglakad palabas ng karinderya ang gunman na tumakas lulan ng motorsiklo matapos bumulagta ang biktima.? Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments