Shootout: Karnaper bulagta

CAVITE , Philippines   – Napatay ang itinuturing na kilabot na karnaper makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Mabolo 2, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ni P03 Rommar Sinnung, natagpuan ng pulisya ang pinagkukutaan ng suspek na si Alejandro “Bingot” Samonte na sinasabing tumangay ng motorsiklo ni Emmanuel Dubleso ng Kawit, Cavite. Gayon pa man, imbes na sumuko ay nakipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya kung saan ito napatay. Narekober kay Samonte ang mgnum cal. 22 revolver at mga bala.

Show comments