2 tulak-droga sinalvage

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang mga drug pusher ang dalawang napatay matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki saka inabandona sa gilid ng Congressional Road sa Barangay Gregoria de Jesus, bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kahapon ng umaga. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawa na nasa edad 20 hanggang 30, may taas na 5’4 – 5’6, kapwa kayumanggi, nakasuot ng short pants at stripe na shirt na may colar. Natagpuan ang dalawa na nakagapos at tinakpan ng itim na plastic bag. May posibilidad na pinatay sa ibang barangay ang mga biktima saka itinapon sa nasabing lugar upang iligaw ang mga imbestigador ng pulisya.

Show comments