^

Probinsiya

Totoy kinatay ng bading

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  – Pinaniniwalaang hinalay muna saka pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang ba­ding ang 13-anyos na totoy sa Barangay Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Nakiusap naman ang mga magulang ng bik­tima na pansamantalang hindi muna isiwalat ang pagkakakilanlan sa bata na nakatira sa Mabuhay 2000 Subd. sa nabanggit na barangay.

Samantala, pinagha­hanap ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Sadam o Sandy, 26, tubong Surigao at kasambahay ng pamilya ng bata.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ni PO1 Geraldine Sagun umalis ang ama ng biktima kaya naiwan ito sa pangangalaga ng kanilang kasambahay na bading.

Gayon pa man, bandang alas-5 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag­ sa telepono ang pulisya kaugnay sa na­ganap na krimen sa na­sabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, natagpuang tadtad ng saksak at luwa ang bituka ng batang walang saplot ang katawan at nakahiga sa sahig ng kanilang bahay.

Nawawala rin ang ma­laking halaga ng mag-ama na nakalagay sa aparador.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ang duguang kitchen knife sa likurang bahagi ng bahay.

 

vuukle comment

BARANGAY PALIPARAN

CAVITE

DASMARI

GAYON

GERALDINE SAGUN

MABUHAY

SCENE OF CRIME OPERATIVES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with