^

Probinsiya

Biyanan kinatay ng manugang

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 44-anyos na biyenang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang manugang habang nagtatalo sa kanilang bahay sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City sa Bulacan kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Brigino General Hospital ang biktimang si Benjie Bayadas habang pinaghahanap naman ang suspek na si Ronnie Azopre, 22, kapwa nakatira sa Towerville 6 sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Enrique Bolina, lumilitaw na kinompronta ng biktima ang kanyang manugang kaugnay sa paghahanap ng trabaho para may pantustos sa kanyang pamilya.

Nabatid na nakikituloy lamang sa bahay ng biktima ang suspek kasama ang kanyang pamilya subalit wala namang maibigay na pinansyal na tulong.

Sa kalagitnaan ng mainitang pagtatalo ay nagkasigawan ang dalawa hanggang mauwi sa pananaksak ng suspek sa kanyang biyanan.

vuukle comment

BARANGAY GAYA-GAYA

BENJIE BAYADAS

BRIGINO GENERAL HOSPITAL

BULACAN

ENRIQUE BOLINA

KANYANG

NABATID

RONNIE AZOPRE

SAN JOSE DEL MONTE CITY

TOWERVILLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with