Mister inaway ni misis nag-suicide

MANILA, Philippines - Dahilan umano sa ma­­tinding pagtatampo, nag-suici­de ang isang 31-anyos na mister matapos itong awayin ng kanyang misis sa River Side, Brgy. Abong-Abong sa lungsod ng Zamboanga nitong Biyernes.

Bandang alas-6:30 ng umaga nang maganap ang pagpapatiwakal sa pama­magitan ng pagbibigti ng biktimang kinilalang si Edmond Roy Invierno, 34-anyos.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, laking gulat ng mga kasambahay ng biktima nang madiskubreng nangingitim na ang katawan nito na nakabigti ng lubid sa leeg.

Agad na isinugod ang biktima sa Ciudad Medical Hospital sa Zamboanga City pero idineklara na itong dead- on-arrival.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na inaway ng kanyang misis ang biktima na iki­nasama ng loob nito kung saan ay nagkulong ito sa kanilang silid  na nadiskubreng nag-suicide.

 

Show comments