Pekeng opisyal ng NFA, tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Kalaboso ang 54-anyos na pekeng opisyal ng National Food Authority (NFA) matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Casili, bayan ng Mallig, Isabela kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Sotero Ramos Jr. ang suspek na si Ramon Villar ng Bacara Street, Las Piñas City at nagpakilalang tauhan ni NFA Administrator Arthur Juan. Ayon kay Ramos, dinakma si Villar matapos tumanggap ng P70,000 mula sa negosyanteng si Arnold Pamittan ng Brgy. Muñoz East, Roxas, Isabela para sa pagpoproseso ng lisensiya sa pagbebenta ng bigas.Nakumpiska sa suspek ang mga pekeng identification card at dokumento ng NFA sa Diliman, Quezon City. ?

Show comments