7 nalason sa kinaing kabute

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pitong katao sa isang pamilya ang naisugod sa pagamutan matapos malason sa pagkain ng ligaw na kabute sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Don Acacio, hepe ng Piddig PNP ang mga biktimang isinugod sa Piddig District Hospital na sina Marcelo Tumines, Sherelyn Tumines, mga magulang ni Sherelyn na sina Bonifacio at Trinidad Agustin, mga kapatid na sina Lea Agustin, Junnie at si Albert Agustin. Nabatid na namilipit sa sakit ng sikmura at pagsusuka ang mga biktima matapos kainin ang ulam na kabute na sinabawan ng dahon ng malunggay. Kinumpirma ni Dr. Myrna Hernaes na kabute naman ang pinagmulan ng lason.

Show comments