Pulis nabaril ang sarili

MANILA, Philippines - Patay ang bagitong pulis makaraang pumutok ang baril nito na kanyang nililinis sa kanilang bahay sa Zone 5, Zambowood, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Inspector Dahlan Samuddin, spokesman ng PNP Regional Office ang biktima na si PO1 Alfredo Magbanua Piola. Si Piola ay idineklarang patay sa Western Mindanao Medical Center matapos na tamaan ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo. Nabatid na nililinis ni PO1Piola ang kaniyang baril sa kanilang bahay kung saan aksidenteng nakalabit ang gatilyo saka pumutok. Duguang bumulagta ang biktima na bagaman naisugod pa ng kaniyang mga kasambahay sa pagamutan ay nabigong maisalba ang buhay nito.

Show comments