MANILA, Philippines - Naging mitsa ng kamatayan ng 45-anyos na magsasaka ang pangmomolestiya nito sa ka-live-in ng lolo makaraang pagtatagain ng matandang lalaki sa Barangay Madasigon, bayan ng Molave, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Marinos Sarit ng Barangay San Isidro sa bayan ng Mahayag habang arestado naman ang suspek na si Armando Ignacio, 63, na nahaharap sa kasong homicide. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng biktima ang silid ng ka-live-in ng suspek na si Mary Daves Engracia kung saan nagkataong tulog. Gayon pa man, pinaghihipo ng biktimang senglot ang maselang bahagi ng katawan ng babae at sinibasib ng halik. Habang nagpapalag ang babae ay naaktuhan ito ng matanda. Agad na hinabol ng taga ng matanda ang biktimang senglot kaya madaling inabutan at pinagtataga ito ng hanggang sa mapatay.