P10-M medisina nasunog

NORTH COTABATO , Philippines   – Umaabot sa P10-milyong halaga ng iba’t ibang uri ng medisina ang naabo makaraang masunog ang stock room ng Integrated Provincial Health Office sa Barangay Amas, Kidapawan City, North Cotabato noong Sabado ng umaga. Ayon kay North Cotabato Fire Inspector Marleap Nabor, BFP deputy director, bukod sa gusali ng  IPHO, dalawang gusali na kalapit nito ay bahagyang nasunog. Ayon kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, nagsagawa na ng emergency procurement ang provincial government para di- mabalam ang operasyon at programang pangkalusugan ng Department of Health, Integrated Provincial Health Office at ng Rural Health Units habang hinihintay naman ang kumpletong imbestigasyon.

 

Show comments