Mister tinodas dahil sa utang

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Napatay ang 26-anyos na senglot na mister matapos pagtatagain at saksakin ng kanyang bayaw habang natutulog sa inuupahang apartment sa Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union kamakalawa.? Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Ernesto Cabellon III habang pinaghahanap naman ang suspek na si Ariel Rosales 46, bus driver at tubong Bauang, La Union.? Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima na kainuman ang suspek bago nagpaalam na uuwi sa kanyang apartment. Pinaniniwalaang nairita ang suspek sa biktima dahil sa pagkakautang nito na hindi na biyaran.

Show comments