Ina pinugutan, binalatan ng anak

NORTH COTABATO, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 55-anyos na ina mula sa kamay ng kanyang anak makaraan itong pugutan at balatan sa mukha kamakalawa sa Island Garden City of Samal, Babak District, Davao del Norte.

Kinilala ni P/Senior Insp. Lito Impas ng Bakbak PNP ang biktima na si Nelia Orbita Paculba ng San Antonio, Purok 8, Babak District habang nakilala naman ang suspek na si Reynold Paculba, 25.

Sa ulat ng pulisya, pinugutan ang biktima, binalatan ang mukha nito at biniyak ang tiyan saka kinuha ang laman-loob.

Hindi pa nakuntento ang suspek ay tinanggalan ng mukha ang sariling nanay saka isinilid sa cellophane.

Naniniwala ang pulis­ya na may diprensiya sa pag-iisip ang suspek na si­nasabing naging despe­rado dahil sa pagkamatay ng kanyang ama sa sakit noong Hulyo 2.

Dagdag ng opisyal, bago naganap ang brutal na krimen, may nakapansin na sa suspek na nagpapakita ng ibang ikinikilos.

Isinailalim sa psychological exam ang suspek upang malaman kung may diperensya nga ito sa pag-iisip.

 

Show comments