^

Probinsiya

Batang patay bumangon sa sariling burol sa Zambo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang tatlong-taong gulang na babae ang gumising mula sa pagkakahimlay sa kabila ng pagdeklara ng mga doktor na clinically dead sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa mga pulis, nagising ang bata habang nasa burol nito sa isang simbahan sa Barangay Bayabas, Aurora, Zamboanga del Sur.

Tumanggi namang pangalanan ni Aurora police chief Police Senior Inspector Heidil Teelan ang bata para maprotektahan ang pamilya.

Kumakalat na rin ang video sa internet kung saan nakitang tinatanggal ng magulang ang anak nila sa kabaong nito.

Dinala sa isang klinika nitong Biyernes ang bata matapos ang ilang araw na pagkakalagnat.

“During that time, the attending clinic personnel and physician confirmed that the young patient had no more pulse and was clinically dead last Saturday morning about 9 a.m.,” pahayag ni Teelan.

Pinaglalamayan na ang bata sa simbahan nang makita ng isang nakiramay na gumalaw ang ulo nito.

“This prompted them to check and confirmed the girl had pulse and was alive,” dagdag ni Teelan.

Kaagad binigyan ng tubig ang banta at isinugod muli sa klinika para mapa-check up.

“We really can not make confirmation on the status of the girl but based on the observation of the police personnel I deployed it appear the girl remained in a state of comatose in their house.”
 

AYON

BARANGAY BAYABAS

BIYERNES

DINALA

ISANG

POLICE SENIOR INSPECTOR HEIDIL TEELAN

TEELAN

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with