Magsasaka niratrat ng NPA rebels

Legazpi City, Philippines- Binistay ng bala ng mga nagpakilalang mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang mister na dinukot ng mga ito sa Brgy. Ginablan, Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang nasawi na si Luvimen Sy, 57 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga habang nag-aalmusal ang biktima kasama ang kaniyang pamilya ng dukutin ng mga armadong rebelde.

Ang biktima ay pinagbabaril ng mga rebelde may ilang metro mula sa tahanan nito.

Samantalang lumilitaw pa sa imbestigasyon na kinausap ng mga rebelde ang biktima hinggil sa alitan sa lupa sa pagitan nito at ng isang sympathizer ng NPA rebels  na siyang motibo ng krimen.

 

Show comments