2 kriminal pinasakay ni Pacquiao ng helicopter
MANILA, Philippines — Dalawang suspek sa pagnanakaw at pagpatay ang sumuko kay Sarangani Rep. Emmanuel "Manny" Pacquiao kahapon.
Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ipinasundo ni Pacquiao sa kanyang chopper ang mga miyembro ng Valdez-Maguan Cattle Rustling Group na sina Roland Maguan at Jiboy Maguan sa Barangay Datalbukay, Glan sa lalawigan ng Sarangani.
Unang lumapit ang mga suspek sa isang guro para sa kanilang pagsuko.
Matapos malaman ang plano ng dalawa, ipinagbigay-alam kaagad ng guro ang pagsuko kay Pacquiao.
Ayon pa sa ulat, ayaw sumuko ng dalawang kriminal sa mga pulis kaya naman kaagad pinasundo ni Pacquiao sa Datalbukay.
Dinala ang mga nakaposas na suspek sa kapitolyo.
- Latest