Negosyanteng nalugi, nag-suicide

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pagkalugi sa negosyo ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 35-anyos na negosyante makaraan itong magbigti sa inuupahang bahay sa Barangay Ampayon, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng umaga. Sa ulat ng Butuan City PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-6:15 ng umaga nang madiskubre ni Roessiel Jane Juntilla, ang kanyang amang si Roldan Juntilla na nakabitin sa kisame ng inuupahan nitong bahay na sinasabing pag-aari ni Conrado Cabarlo. Narekober naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang suicide note na nakasulat sa notebook. Nabatid na bago maganap ang insidente ay ilang araw na umanong nanglulumo ang biktima na halos hindi makakain dahil sa matinding problema sa naluluging negosyo.

Show comments