2 patay sa kidlat

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   – Dalawa-katao ang namatay matapos na tamaan ng kidlat sa naganap na magkahiwalay na insidente sa Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang dalawa na sina Lito de Vera, 43, ng Barangay Pangluan, San Carlos City; at Rocky Villena, 18, ng Barangay Agdao, Malasique. Nabatid na maghahatid sana ng meryenda ang biktimang si De Vera sa kaniyang mga kasamahang magsasaka sa palayan nang tamaan ng kidlat noong Miyerkules ng hapon. Samantala, tinamaan din ng kidlat si Villena sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan sa Brgy. Agdao. Ayon sa imbestigasyon, abala sa pagtatanim sa bukirin ang biktima at mga kasamahan nito nang biglang kumulog at kasunod nito ay matalim na kidlat na tumama sa dibdib nito.

 

Show comments