3 bagets tiklo sa pot session

CAMARINES NORTE, Philippines  -  Arestado ang tatlong bagets makaraang maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya sa pot session sa Mariners Village, Barangay  Sta Lucia, bayan ng Magarao, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Nasa custody ng Municipal Social Welfare Development Office ng Magarao ang tatlong bagets na may edad na 14, 15, 16 na pawang nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa pulisya, naaktuhan ang tatlo sa pot session sa bahay na pag-aari ng nagngangalang Cherry kung saan nasamsam ang isang plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalias.

 

Show comments