Trike vs Bike: 1 dedo, 8 grabe

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 15-anyos na estudyante habang walo-katao naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang motorsiklo at traysikel sa bahagi ng Barangay Matagbac, Tabaco City, Albay kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Ziga Memorial District Hospital subalit hindi na umabot ng buhay si Cristine Cordenete ng Barangay San Isidro habang sugatan naman sina Velentine Cordenete, Carmelita Cordenete, Catherine Cordenete, Raymart Bobis, Allen Begino, Ariane May Bobis, Jovelyn Begino, mga nakatira sa nasabing lungsod; at ang driver ng motorsiklong si Juan Borromeo ng Purok 1, Barangay San Vicente sa nabanggit na lungsod.  Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Marlo Meneses, pauwi na ang mga biktimang lulan ng traysikel mula sa Tabaco National High School nang makasalpukan ang motorsiklo pagsapit sa nasabing lugar.

Show comments