Negosyante dedo sa ambush

CAVITE, Philippines - – Napatay ang 48-anyos na negosyante matapos tambangan ng hindi kilalang lalaki sa Parklane Subd., Barangay San Francisvo sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng tanghali. Namatay habang ginagamot sa UMC Hospital ang biktimang si Fidel Santos, may asawa, ng Phase 1 sa nasabing subd. Ayon kay PO3 Hermes Casauran, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang ratratin malapit sa kanilang bahay. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments