Magbiyanan pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Pinabulagta ang magbiyanan matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Turod, bayan ng Badoc, Ilocos Norte kamakalawa.
 Kinilala ni P/Insp. Joseph Tayaban, hepe ng Badoc PNP ang mga biktima na si Marife Raneses, 37; at  Macario Bautista, 60, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
 Base sa police report, lumilitaw na nagtungo sa bahay ng magbiyanan ang dalawang di-kilalang lalaki kung saan hinahanap si Barangay Chairman John Raneses. Gayon pa man, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng gunmen ang magbiyanan saka nagsitakas. 


Show comments