Bumbay dedo sa agaw-motorsiklo

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang negosyanteng Bumbay makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan sa kurbadang bahagi ng Barangay Kayaga, bayan ng Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali.  Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Surinder Singh ng Apo Sandawa Subdivision sa Kidapawan City. Base sa police report, lumilitaw na patungo sa bahay ng kanyang kliyente ang biktima nang harangin at ratratin. May teorya si P/Supt. Maribojo na agaw-motorsiklo Gang ang mga suspek dahil tinangay ang sasakyan ng biktima.

Show comments