Biyuda kinatay ng mag-utol

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Napatay ang 60-anyos na biyuda makaraang pagtulungan tagain ng tatlong kalalakihan ilang metro ang layo sa kanilang bahay sa Barangay Sagana, bayan ng Laur, Nueva Ecija, noong Linggo ng gabi. Nabatid na nagpapakain ng alagang baboy ang biktimang si Maria Santos nang lapitan at pagtatagain ng mag-utol na sina Raffy Estrera, at Robert “Bering” Estrera, at isa pang kamag-anak na si Loloy Capisnon. Ayon sa pulisya, nasaksihan ng anak ng biktima ang brutal na krimen bandang alas-9:30 ng gabi. Lumilitaw na hindi nakauwi ang biktima sa takdang oras kaya sinundan ng anak na lalaki kung saan nasaksihan nito ang pagpatay sa kanyang anak.

 

Show comments