Intel officer ng PNP, nilikida

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  â€“ Pinabulagta ang beteranong intellegence officer ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng tatlong kabataang New People’s Army sa bahagi ng Barangay Poblacion Central sa bayan ng Barcelona, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si PO3 Christopher Evasco, nakatalaga sa Barcelona PNP bilang intel officer at residente sa nabanggit na bayan. Sa ulat na nakarating kay P/Insp. Jose Geronga, hepe ng Barcelona PNP, nagsasagawa ng monitoring ang biktima matapos makatanggap ng impormasyon na may nakapasok na mga rebelde sa nasabing bayan kaugnay sapagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Natunugan naman ng mga rebelde ang ikinikilos ng biktima kaya isinagawa ang pamamaslang. Kaswal na naglakad palayo sa crime scene ang tatlong rebelde na animo’y walang naganap na krimen.

 

Show comments