Holdaper patay sa pulis

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Isa sa dalawang holdaper ang napaslang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay San Felipe, Naga City, Camarines Sur. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Mark Cuban ng San Antonio Street, Barangay Concepcion sa bayan ng Pequeña habang pinaghahanap naman ang kasamahan nito na sakay ng motorsiklo. Nabatid na nagpanggap na customer sa Fil-Sunbeam Hardware ang dalawa kung saan nagdeklara ng holdap habang abala ang katiwala. Nagkataon namang nagpapatrolya ang mga tauhan ni P/Senior Insp. Alex Penafiel kaya nakasagupa ang dalawang holdaper na lulan ng motorsiklo kung saan napatay si Cuban. Narekober ng pulisya ang cal. 9mm pistol, mga bala, personal na gamit at hindi nabatid na halaga.

 

Show comments