2 katao utas sa kidlat

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang  nasawi makaraang aksidenteng tamaan ng kidlat sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Murcia at Talisay City, Negros Occidental kamakalawa.

Ayon sa ulat ni Chief Ins­pector Joresty Coronica, hepe ng Talisay City Police, ang biktimang si Rex Vasquez ay tinamaan ng kidlat sa loob mismo ng tahanan nito sa Brgy. San Fernando, Talisay City.

Bandang alas-4 ng hapon umano habang nasa may bintana si Vasquez ng kumulog ng malakas at kasunod nito ay tinamaan ito ng kidlat na sumapul sa kaniyang ka­tawan na bagaman naisugod pa sa Talisay City Health Office ay idineklara ng dead- on-arrival.

Bago ang insidente ay nasa kaniyang bukirin naman ang isang magsasaka na si Crisanto Rivera nang tamaan ito ng kidlat sa Brgy. Lopez  Jaena, Murcia dakong alas-10 ng umaga.

Sa report ni Sr. Inspector Norberto Barniso, hepe ng Murcia ang biktima ay dead- on-the-spot dahil sa grabeng pagkasunog ng katawan nito bunga ng insidente. 

 

Show comments