Shootout: Lider ng holdap gang dedo

Kinunan ng litrato ng isa sa tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang nakabulagtang lider ng mga holdaper matapos mapatay sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni P/Supt. Rodolfo Hernandez sa bahagi ng Barangay Poblacion, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kuha ni Boy Cruz

BULACAN, Philippines - Napaslang ang itinuturing na lider ng mga holdaper makaraang makipagbarilan sa mga operataiba ng pulisya na nagmamantineo ng checkpoint sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Sta.Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Ronan Gabriel ng Barangay Tambubong sa bayan ng Bocaue habang nakatakas naman ang backrider nito.

Sa isunumiteng ulat ni P/Supt. Rodolfo Hernandez kay Bulacan PNP director P/Senior Supt. Ferdinand Divina, lumilitaw na naglatag checkpoint ang pulisya sa bahagi ng Barangay Poblacion kaugnay sa programang “Oplan No Mercy” nang mamataan ang motorsiklong walang plaka sakay ang dalawang lalaki.

Tinangkang pahintuin ng pulisya ang motorisklo subalit nilampasan ang checkpoint saka pinutukan ang mobile patrol (SJX-474) na nakaparada kaya gumanti ng putok ang PNP kung saan bumulagta si Gabriel.

Narekober kay Gabriel ang cal.45 pistol at magazine na may mga bala.

Sa beripikasyon ng pulisya, si Gabriel ay pangunahing suspek sa serye ng holdapan sa iba’t ibang bayan at may nakabinbing mga kasong kriminal sa Malabon City Regional Trial Court.

Show comments